THOUSAND SUTRAS
SPIRITUAL SPLENDOR
by: Hari Om Milan
“Are you Physically, Socially, Psychically and Spiritually clean?
[The main QUESTION, are you?]
HM: If so... then you may enter in the His Majesty, thousand sutras spiritual splendor.”
Itong Ispiritual na Karunungan at kawikaan, ay dapat unawain saka pag-isipang mainam at talinhagang tunay.
“Nararapat na unawain at pag-isipang mainam ang totoong talinhagang dito’y napapaloob, sapagkat kung susuriin ang mismong may akda ay hindi niya inakala na sa kanyang sariling gawa lahat sa kanya at tatama.”
HM: May mga taong sa minsan pagkabasa nitong Ispiritual na Kawikaan, ay kaagad na humahatol para sa karunungang maka-lupa. Sila yaong mga taong nagmamagaling sa Maylikha, at ibig pang sumbatan ang Kataastaasan.
“Makikita nating tuwiran na ang mismong may gawa ng mga sutrang ito ang siya mismong nagmamagaling sa Maylikha (Parama Purusa), ang mga salitang kabanalan ay ginagamit sa sariling kapakinabangan.”
HM: Kahit na ito’y nasusulat na hinalintulad sa materyal na kaparaanan, ang kahulugan nito’y Mahiwaga na hindi maaaruk ng inyong sariling diwa. Kaya h’wag kayong maging padalos-dalos, at ang kahulogan nito ay mas malalim pa sa inyong inakala. Sapagkat ito’y may ispiriual na kaugnayan sa inyong ‘supreme self’.
“Mismong may akda hindi naarok ng kanyang sariling diwa ang HIWAGA ng mga sinulat niyang kung saan-saan niya kinopya, sinalin lang sa tagalog inari ng kanya.”
HM: Kaya kung ang bagay na ito’y ihahambing sa materyal na kahulogan, hindi pa ito ang tunay; bagkos ay sa malalim at ispiritual na kaparaanan. Upang lumusong pa kayo sa higit na mas malalim kaysa sa dating kalagayan at antas ng inyong diwa.
“Hindi na kailangan pang ihambing sa kung saan-saan o dapat pang lumalim sa nais ipakahulugan, makikita mismo ang kasagutan sa gawa at kaisipan ng may gawa.”
HM: “Ang Takot ay kasangkapan ng karimlan; para papaghinain ang loob at katawan ng taong Ispiritual. (042996)”
Sa sutrang ito makikita nating tuwirang inaamin ng gumawa na siya ay sugo ng KARIMLAN dahil sa takot ang kanyang instrumento at kasangkapan upang mapagsamantalahan ang mga kaawa-awang indibidwal, kaya makikita ang mga miyembro ng kanyang samahan na puno ng TAKOT ang mga sarili at hindi magawang umalis sa kanya kahit ito ang nais nila. Sa mga kasama at kapatid ko sa ispiritual ito ang itanim nyo sa puso at isip nyo “satyam eva jayate nanritam (KATOTOHANAN ang magwawagi hindi ang KASINUNGALINGAN)”.

Post a Comment